Wednesday, May 07, 2003

Bakit nga ganun, hanggang dito naiilang sa akin ang mga boys (hindi kasi sila men!)... di naman ako kasupladahan, di kagandahan, at kung ano-ano pang "han"... there's this one guy at my other work, he just refuses to even look at me when I look at him or kapag nagkakasalubong kami pero halos matunaw naman ako kapag di ko siya tinitignan ako at panay ang kausap nya with all the people around me, pero ni hindi man lang ako ngitian kahit konti... sayang naman ang mga ngiting nihahahanda ko para sa kanya....hehehe :) meron pang isa, kasabay ko lagi pag-uwi sa 12:05am na bus pero he always says "Hi!" and "Goodbye" and sometimes "How are you?", pero hanggang ganun lang.... alam nyo ba yung tingin na parang matorpe-torpeng mahiya-hiya na madapa-dapa? ganun naman siya... yung tipong me gustong sabihin at parang gusto kang yayaing mag-coffee pero di masabi, ewan ko kung bakit.. eh kung ako na kaya ang mag-aya, kahit ako pa ang magbayad tutal me Tim Horton's naman sa lugar na binababaan ko... suspect ko lang, akala nya siguro husband or boyfriend ko yung minsan ay sumusundo sa akin sa Steeles kapag masama ang panahon.. eh tangek pala siya, pinsan ko yun 'noh! di nya ba nakikita yung fingers ko na alang wedding band? ang mga lalake talaga, me pagka-tanga... ako pagtapos kong tignan ang mukha, isusunod ko agad ang left ring finger, kung me ring na, i wouldn't even take a second look --- i don't want to waste my time, ika nga... yung nasa church, naku bata pa yun at mga 8 years younger than me, so matunaw na lang kami sa tinginan namin... although I would prefer na sana katulad ko ding Protestant para di na ako mahirapan at di na pag-awayan kung saan magsisimba kapag linggo o kung sino ang magco-convert.. kasi definitely, hindi ako yun...
yung nandito sa office? di nya ako type, pero sya ang pinaka-type ko ---- single-white-male na involved sa IT.... what more can I ask for? eh ano pa, eh di ang ma-pansin naman nya ang beauty ko..